Kalye Sto. Tomas
Muli kong naramdaman ang kamay ng Diyos na gumalaw para isakatuparan ang mga plano nya.
Kahapon, habang ako'y naglalakad papunta sa aking lilipatang bahay ay may natanaw ako. Naka damit pang-office naglalakad. Napa-isip ako, sino kaya yun? nakatira kaya yun sa building na tinitirhan ko? kapit-bahay ko kaya yun?... at napangiti ako sa sarili ko at sabi ko, pag doon ka rin nakatira kakaibiganin kita... at pumasok din sa isip ko na baka pwedeng maging tayo...
Malabo ang mata ko kaya hindi ko pa rin matanaw ng malinaw ang mukha nya pero buo ang isip ko na may nararamdaman akong spark para sa tao na ito... Lukso ng Puso.
Hanggang sa nag kasalubong na kami... at naka-ngiti sya sa akin...
Sus! Akalain mo nga naman... ikaw pala yun.
Natawa na lang ako sa sarili ko kase hindi ko inakala na ikaw yun. Hindi ko naman kase ine-expect na makita ka sa lugar na iyon kase alam ko naman hindi ka taga dun... pero ayun. Yun na.
Papasok ka na dapat sa work mo pero dahil nga nagkasalubong tayo so mega hatid ka naman saken dun sa bahay tutal malapit lang naman yun sa work place mo. Sobrang pinasaya ako ni God kase tinanggal kita sa isipan ko saglit pero si God ang gumawa ng paraan para ibalik kita sa isipan ko.
tapos buong araw mo na ako kinulit. At plano mo pang mag stay sa bahay...
Salamat sa Diyos.
Nararamdaman ko ang bawat galaw ng tadhana para sa ating dalawa.
Oras lang ang kailangan natin para malaman natin ang tunay na nararamdaman natin sa isa-isa.
Pagkakataon ang ibinibigay sa atin ng Diyos upang maipadama na mahal natin ang isat-isa.
Alam ng Diyos ang totoo na nasa puso natin.
Huwag na sana tayong matakot.
Bahala na ang Diyos.
Ipinapasa-Diyos ko ang ating pag-iibigan.
Amen.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home