Saturday, September 15, 2007

Kwentong Barbero


Ilang kwento na nga ba ang naibenta ko sa masa? Hindi ko alam kung bakit nila ito binibili. Nakakatuwang isipin kung minsan na ang mga kwentong ito ay tumatatak sa puso at isipan ng mga tao. Mula sa kwento ng isang bituing hindi sumikat, sa drama ng bandang hindi na muling umawit, sa boses ng manunulat na hindi marinig hanggang sa kwento ng taong duwag na nagwagi.

Ang lahat ng ito ay kathang isip lamang ngunit ang mga kwentong barbero na ito ay ayun din sa tunay na trahedya ng buhay.

Ngunit kahit sino ay walang nakakaalam sa kwento ng buhay ng isang tao na dumaan sa bawat sulok ng buhay.

Paghihirap… hindi ito kailangang ipakita sa ibang tao sapagka’t sino nga ba ang makakaunawa sa mundong ito?

Tagumpay… ito ay hindi nakikita sa katapusan ng kwento bagkus ito ay ang proseso na bumubuo sa pagkatao ng isang tao.

Thursday, September 13, 2007

Bersyong Tagalog


Ola! Nakakapanibago. Sa tinagal-tagal kong adik sa blog kahit minsan ay hindi pa ako nag-post ng tagalog na post sa blog ko. Ang dahilan nito ay dahil hindi talaga ako magaling sa salitang pinoy. Tunog banyaga kasi talaga ako kung kaya't isang napaka-laking pagsubok sa akin ang magsulat ng tulad nito. Nakakatakot kasi baka mahaluan ko ng english ang post na ito... teka, ano nga ba ang tagalog ng post? - poste? hehehe! Sabi ko na eh!



Anyway, (ayun english nanaman!) may isa rin kasi akong blog pero english version yun. Madalas akong mag post dun kasi nga mas sanay akong magsulat sa english, hindi tulad nito, nosebleed ang inaabot ko sa kakaisip ng tamang salita. Pero masaya naman sya kasi in fairness, napaka-challenging nito. Ayun english nanaman yun!



So, maiba naman tayo. Ikaw... Oo ikaw. Ikaw na bumabasa nito. Mabuhay ka kaibigan. Napatunayan mo sa sarili mo na isa kang "potential hacker" sapagkat ang link ng blog na ito ay hindi makikita sa kahit saan. Ngunit dahil sa natagpuan mo ito, nangangahulugan lang na isa kang hacker na may abilidad na maghanap ng mga hindi nahahanap ng iba.



O sya! Hanggang sa muling post.

God Bless.