Saturday, September 26, 2015

re-post

May mga bagay na pag nawala kahit anong pilit ay hindi na maibabalik pa. Let's get medical... para lang yan sugat na hindi na naghihilom kasi diabetic ang patient. So wala kang choice kung hindi i-amputate ang paa. Pag naputol na ang paa kahit anong gawin mong pagtatahi sa OR hindi mo na ulit maididikit yan. Habang buhay mong dadalhin ang pait nang pagkawala nang isang mahalagang parte ng katawan mo, isang mahalagang parte ng buhay mo. Pwede mo palitan ng bakal na paa pero alam mo sa sarili mo na hindi nito mapapantayan ang nawala sayo. Mamumuhay ka nang maayos sa abot nang iyong makakaya pero kahit kailan hindi mo malilimutan ang nawala sayo. It's not about moving on but just getting used to it... ika nga.

Gets mo naman ito siguro. Medtech ka di ba? Tanong mo sa magulang mo kung hindi malinaw sayo. Minsan lang ako humugot nang ganito kalalim kasi malalim din yung sugat na pinag mulan nyan. Kahit nag hilom na, alam ko may nawala na hindi ko na muling matatagpuan sa iba.

Wednesday, November 23, 2011

Linya

Sabi nila "TRUE FRIENDS ARE HARD TO FIND"... kaso hindi naman ako nahirapan na hanapin ka... hindi kaya...

... hindi kita tunay na kaibigan? hahaha!!!

funny lines for today!

Monday, November 14, 2011

Kalye Sto. Tomas (Part 4)

mahal kita pero hindi ko maamin sayo... oo, nasabi ko na sa iyo na mahal kita pero feeling mo joke yun... tapos ngayon galit ka kase feeling mo hindi kita sineseryoso... e mukha ka rin naman kasing hindi seryoso saken. Bakit tayo nag kakaganito? Bakit tayo natatakot harapin ang katotohanan? Bakit tayo natatakot harapin ang tunay nating nararamdaman? Sana maayos na natin itong gulo na pinasukan nating dalawa. Sana kausapin mo na ulit ako... sana maging matatag tayo para sa isat-isa. Sana sundin natin ang kagustuhan ng Diyos. Sana kagustuhan ng Diyos na tayo nga talagang dalawa ang magkatuluyan. =)

Wednesday, November 9, 2011

Nakaw Na Ideya

What if “the one” isn’t supposed to be the person who takes your breath away?

…but rather, it’s the person who helps you breathe easier when times get rough.

What if “the one” isn’t supposed to be the person you stay up all night thinking about?

…but rather, it’s the person who helps you to sleep easier knowing that they are in your life.

What if “the one” isn’t supposed to be the person who completes you?

…but rather, it’s the person who makes you feel whole and able to be who you are when you’re by yourself.

What if “the one” isn’t supposed to be the person who sweeps you off your feet?

…but rather, it’s the person who helps you to stay grounded, focused and determined to do the things you set out to do.

What if “the one” isn’t supposed to be the person who totally understands you and knows everything about you?

…but rather, it’s the person who sees things that you don’t and spends the time to try to get to know more of you.

What if “the one” isn’t supposed to be the one who brings out the best in you?

…but rather, it’s the person who helps you to discover the things about yourself that you need to change.

What if “the one” isn’t the person who gives you butterflies, or makes you feel all tingly on the inside?

…but rather, it’s the person who gives you comfort when you need it and makes you feel safe on the outside.

What if “the one” isn’t the person you’ve been waiting for all your life?

…but rather, it’s the person that’s been waiting for YOU all your life.

By: I. P.


Kalye Sto. Tomas (Part 3)




Pronto nostalgia permanecerá dentro de mí, como decir adiós a este camino que he conocido durante tanto tiempo. Adiós dulce para un nuevo comienzo, por cada tenedor pegado en el camino es un camino digno caminando, y no me atrevería a cambiar algo, bueno o malo. Para siempre voy a apreciar el viento dulce que me tocó la cara, el olor dulce español sólo se puede llevar. Y la vida siempre me recuerdan lo que entramos en este camino, con sus ojos que me veían crecer y ha visto el mejor y lo peor de mí, compartir emociones, el amor y los sueños. Y si el destino será tan bueno como parece, voy a volver a caminar en este camino con una sonrisa más brillante y más amor dentro de mí. Y así que se irá, pero siempre recordaré este camino - España

Thursday, November 3, 2011

Kalye Sto. Tomas (Part 2)



Para kay CIA


Talagang favorite mo akong asarin kahit na nasa harapan tayo ng pasyente at on-going ang extraction ng dugo... partida... arterial mode pa ako... at tuwang-tuwa ka pang tawagin akong pinuno ng kadiliman... at syempre papayag ba ako na hindi makabawi... so kung ako ang pinuno... ikaw naman ang hari! mag-asaran daw ba sa harapan ng pasyente... hahaha!!! U made me smile again! thanks!

Saturday, October 22, 2011

Kalye Sto. Tomas

Muli kong naramdaman ang kamay ng Diyos na gumalaw para isakatuparan ang mga plano nya.

Kahapon, habang ako'y naglalakad papunta sa aking lilipatang bahay ay may natanaw ako. Naka damit pang-office naglalakad. Napa-isip ako, sino kaya yun? nakatira kaya yun sa building na tinitirhan ko? kapit-bahay ko kaya yun?... at napangiti ako sa sarili ko at sabi ko, pag doon ka rin nakatira kakaibiganin kita... at pumasok din sa isip ko na baka pwedeng maging tayo...

Malabo ang mata ko kaya hindi ko pa rin matanaw ng malinaw ang mukha nya pero buo ang isip ko na may nararamdaman akong spark para sa tao na ito... Lukso ng Puso.

Hanggang sa nag kasalubong na kami... at naka-ngiti sya sa akin...

Sus! Akalain mo nga naman... ikaw pala yun.
Natawa na lang ako sa sarili ko kase hindi ko inakala na ikaw yun. Hindi ko naman kase ine-expect na makita ka sa lugar na iyon kase alam ko naman hindi ka taga dun... pero ayun. Yun na.

Papasok ka na dapat sa work mo pero dahil nga nagkasalubong tayo so mega hatid ka naman saken dun sa bahay tutal malapit lang naman yun sa work place mo. Sobrang pinasaya ako ni God kase tinanggal kita sa isipan ko saglit pero si God ang gumawa ng paraan para ibalik kita sa isipan ko.

tapos buong araw mo na ako kinulit. At plano mo pang mag stay sa bahay...

Salamat sa Diyos.

Nararamdaman ko ang bawat galaw ng tadhana para sa ating dalawa.

Oras lang ang kailangan natin para malaman natin ang tunay na nararamdaman natin sa isa-isa.

Pagkakataon ang ibinibigay sa atin ng Diyos upang maipadama na mahal natin ang isat-isa.

Alam ng Diyos ang totoo na nasa puso natin.

Huwag na sana tayong matakot.

Bahala na ang Diyos.
Ipinapasa-Diyos ko ang ating pag-iibigan.

Amen.

Monday, October 17, 2011

Pagbabalik

Silang mga nanatiling andyan...

nag-abang sa muling pagkakataon...

ang kanilang pagbabalik sa buhay ko...




3.) Sana alam mo kung paano pahalagahan ang pagkakaibigan at hindi ka masayadong mapusok sa mga gusto mong mangyari. Bata ka pa nga. Hindi ka nag-iisip bago gumawa ng isang malaking hakbang. Tandaan mo ang mga bagay-bagay na ganyan ay kinakailangan ng utak at hindi lang basta puso. Utak ang kailangan para mapasa-iyo ang gusto ng puso mo dahil utak ang may kakayahang mag-isip ng diskarte. Huwag padalos-dalos sa desisyon. Ginawa mo na yan 5 years ago at isa kang malaking JOKE! Sana huwag mo na ulitin ang pag kakamali na yun. Pero sa nakikita ko hindi ka pa rin nag bago. Limang taon ang lumipas ikaw pa rin yun dating malaking Joke na walang natatawa. Pasensya na pero ikaw ang joke na hindi nakakatawa. Sorry...olats ka nanaman. duh! - Sponge Bob





2.) Halos dalawang taon ang nakaraan nun huli kang nagbakasakali... ngunit ika'y bigo...walang masamang mabigo ka muli. Matibay ka... pinabilib mo ako sa kakayahan mong maghintay ngunit hanggang dito lang talaga ang kaya ko. Sabi nga nun kaibigan ko baka daw kaya walang spark kase nabasa kailanagn patuyuin muna para magka spark pero ang sagot ko naman ... hindi ba pag nababasa ang fuse mas nagkaka-ground mas nagkaka-spark at nagkakasunog? Pero bakit wala talaga?... Ayaw kitang saktan pero paulit-ulit ko itong nagagawa ng hindi sinasadya dahil hanggang dito lang ang kaya ko at hindi ko kayang suklian ang "expectations" mo saken. Ngunit salamat na rin sa pagpapahalaga sa akin. - Scorpio





1.) Dalawang taon ang nakaraan nung una tayong nagkakilala. Unang banat mo pa saken andyan ba si __________? Syempre dahil isa akong dakilang suplada sabi ko wala sya... medyo masungit ang dating ko noon alam ko pero hindi ka natinag... sumunod na encounter nag tanong ka nanaman pwede patingin nyan? - duh! so ako naman bilang reyna ng pagiging suplada inabot ang papel at ni Ha! ni Ho! wala!
Kahit makasalubong kita sa kung saan lupalop ng mundo hindi kita tinitignan pero nakikita kita... sa gilid ng aking mga mata malinaw na nakikita kita kahit hindi kita nililingon. Hanggang sa muli mo akong kinausap pero sa pagkakataong iyon yun kaibigan ko ang sumagot sa tanong mong walang naman kasing sense (yun tipong obvious na gusto mo lang akong kausapin talaga). Hanggang sa nagsimula na yun simpleng banat na sa joke lang nag simula. Simula noon nag ngi-ngitian na tayo hanggang sa kinuha mo number ko, nag kakatxt tayo. Hanggang sa niyaya mo akong lumabas pero ang lagi kong sagot sayo busy ako.
Aaminin ko na... ang totoo, gustung-gusto ko talagang sumama sayo. Naramdaman ko naman sa simula pa lang na special ang treatment mo saken pero dinedma kita, pinadama ko sayo na dapat magkaibigan lang tayo pero ang totoo kaya kahit ilang beses mo akong kulitin na sumama sayo na lumabas, mag coffee, hindi ako sumasama kase natatakot ako... kase gusto rin talaga kita. Natakot ako sa nararamdaman ko sayo. Natakot ako kase sobrang lakas nun SPARK na baka mauwi sa sunog at wala akong maisalbang ari-arian kung sakali.
Pero lagi kang nandyan sa tabi-tabi... para saken. Lagi kang nandyan pag my kailangan ako. Pag masama pakiramdam ko kahit busy ka... kahit late ka na sumasaglit ka pa rin. Naalala ko nun sobrang sama ng pakiramdam ko at sobrang busy ka at kung tutuusin wala ka naman kikitain saken na pera... pero pinuntahan mo pa rin ako kahit na-diagnose na ako sa ER... actually, pinuntahan mo ako para pagtawanan at para asarin ng kung anu-anong sakit... pero napangiti mo ako nun araw na iyon. Naalala ko nun dumaan ka sa work ko para lang dalhan lang ako ng kape... maraming beses na buong night duty ko gising ako dahil lagi mo akong dinadalhan ng kape, yun simpleng dadaanan ka lang para bigyan ako ng kape at makipag kwentuhan saglit, okey na, buo na ang gabi ko. Naalala ko nun nakasalubong kita sa daan at kumakain ka ng ice cream (ube flavor), nagmamadali ako nun kase my work ako, sabi mo saglit lang kukunan din kita ng ice cream, pero sabi ko hindi na kase alangan naman nasa work ako my bitbit akong isang basong ice cream... tapos nag insist ka sabi mo "sige share na lang tayo dito." ...tapos sinubuan mo ako ng ice cream. Nung sumunod na araw nilibre mo ako ng sundae sa mini stop.=)
Naalala ko kung paano mo ako protektahan dun sa nanliligaw saken, hindi mo siya sinisiraan pero lagi mo akong pinagsasabihan na kilalanin muna siya. Obvious naman na ayaw mo sa kanya. Ayaw mo sa kanya o ayaw mo lang akong mapunta sa kanya?
Naalala ko nun my date ako bigla kang ngtxt saken nag aayang lumabas (nanaman) tapos nabasa nun ka date ko yun txt mo at simula nun galit na siya sayo.
Naalala ko nun isang gabi wala kang magawa dumaan ka sa work ko para bigyan ako ng isang bar ng chocolate, Hershey's cookies and cream, wala lang, basta trip mo lang akong daanan at bigyan ng chocolate. Naalala ko pinag awayan ka namin ng BF ko na ex-BF ko na ngayon dahil sa dinala mong chocolate.
Naalala ko nun lagi kang nag dadala ng junk foods para saken at palagi kong pinapakain sa iba dahil ayaw ng BF ko na ex-BF ko na ngayon na tumatanggap ako ng kahit ano galing sayo at dahil sa pagseselos nya pina-erase nya number mo sa cellphone ko.
Naalala ko nun nalaman mo na my BF na ako nun nirespeto mo yun desisyon ko at matagal din hindi ka ng txt saken... pero andyan ka pa rin. Hindi mo ako iniwan. Lagi mo ako tinatanong kung bakit ko siya sinagot, lagi mo akong inaasar na nabubulag ako.
Isang araw mag kasama tayo sabi mo break na kayo ng GF mo at pinakita mo pa yun wallet mo na walang picture kase empty ang wallet mo as well as your heart. Natawa ako sayo, nag pa-cute ka, kinurot ko pisngi mo, napag kamalian ng mga tao na tayo. Ang mas nakakatawa dun, nun tinanong ka nila kung GF mo ako hindi ka sumagot, hindi rin ako nag react. Bakit hindi natin sinabi sa kanila na hindi tayo eh hindi naman talaga tayo... dahil ba alam natin sa sarili natin na gusto talaga natin ang isat-isa?
Nag bago ka ng number mo pero hindi mo kinalimutan yun number ko.
Dumating yun time na nagkakalabuhan na kami ng BF ko tapos ikaw ang nilapitan ko. Sa lahat ng mga kaibigan at kapamilya ko na nilapitan ko at hiningan ng advice, sayo lang nabuo ang desisyon ko. Ewan ko rin, pero nun ikaw na yun nag-advice saken parang naging malinaw na sa paningin ko ang mga plano sa akin ni God. Salamat.
Araw -araw mo ako kinukumusta nung kaka-break lang namin ng BF ko. Lalo kong na-realize ang halaga mo sa buhay ko.
Naalala ko nun pinuntahan mo ako sa work ko para i-hug ako kase alam mong hindi pa ako nakaka-move on.
Naalala ko nun may isang time na-insecure ako sa isang babae at sabi ko sayo huwag mong kakaibiganin o iko-close yun babae na yun, natawa ka at sabi mo "Selos ka naman?" sumagot ako sayo - "Oo! at pag nakita kong ka-close mo yun hindi na kita papansinin kahit kailan..." at hindi mo nga siya kinaibigan. Salamat.
Naalala ko lagi ma akong inaasar na mas sexy yun girl na yun kasi ako sobrang payat sumimangot ako tapos sabi mo "mas maganda ka naman dun"... napangiti mo nanaman ako.
Naalala ko nun mag kasama tayo tapos may nakita kang kakilala mo at pinakilala mo akong GF mo,at ako naman... hindi nag deny.
Naalala ko nun isang araw pinuntahan mo ako at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
Naalala ko nun bigla akong nawala at nag txt ka at sabi mo napapariwara ako. Akala mo masyado ko dinibdib ang break up namin nun ex ko at sabi mo kahit anong tulong mo saken na bumalik sa tamang landas, ako lang ang makakagawa nito sa sarili ko. Nainis ako sayo kase mali ang judgement mo saken.
Naalala ko nun nag simba tayo, late ako, tapos wala kang ginawa kundi asarin ako.
Naalala ko lagi mo ko kinakantahan at lagi kita pinag tatawanan kase mas magaling kang sumayaw kesa kumanta. Sayaw ka na lang. =)
Masyado tayong natakot noon, at kung sa ngayon ay handa ka muling mag tapat ng nararamdaman mo, hindi na ako matatakot na mahalin ka rin. Pinapasaya mo ako sa mga munting bagay na ginagawa mo, sa pang-aasar mo saken, sa mga messages mo na minsan walang kwenta, pag nilalait mo ang mga kamay ko, pag inaasar mo ako ng payatot, pag inaasar mo ako tungkol sa ex-BF ko, pag pinapakilala mo akong GF mo ako sa lahat ng tao kahit hindi naman pero sana nga tayo. Ang sarap ng pakiramdam pag hina-hug mo ako tapos aamuyin mo yun buhok ko. Yun bigla kang susulpot tapos mangingiliti ka. Yun kahit sobrang busy mo hindi pwedeng hindi ka sasaglit para mag hi! o asarin ako.
Nagmamahalan nga tayo.
Kaya sana mawala ang takot nating dalawa at mag lakas loob tayo na simulan ang ating tadhana kasama ang isa-isa. Sana nga. Ipina-pasa Diyos ko ito. - Diamante

Monday, September 26, 2011

Gulong sa Batuhan

nakakainis isipin na lumipas ang aking kaarawan... madaming tao ang nag padama ng kanilang pagmamahal sa akin ngunit sa kabila ng lahat ng ito ikaw ang hinihintay ko na bumati sa akin... kahit alam kong malabo kase hindi mo naman talaga alam ang petsa ng kaarawan ko... nakakainis isipin na close tayo pero yung mga munting bagay tulad ng birthday ay hindi naten alam sa isat-isa... weird naten noh?

hindi ko alam kung bakit malakas ang pakiramdam ko na para tayo sa isat-isa...

kahit na hindi maganda ang record mo pagdating sa relationships... at kahit na alam ng mga kaibigan naten na hindi ka nararapat sa akin... kahit sila napapansin ang nararamdaman naten sa isat-isa...
sabi ko nga di ba... people can tell...
nakikita kase nila ang pilit nating itinatago sa puso naten...
ewan ko lang kung nag fi-feeling lang din ako pero malakas talaga kutob ko na nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko...
sabi nga dun sa kanta ni Donna Cruz... "ang hirap naman ng lagay ko di pwedeng mauna sayo... kailan ko ba maririnig akin ang iyong pag-ibig..."

eh kasi naman ang daming chance hindi naten kinuha...
nag paramdam ka... natakot ako (multo???)
natakot ako kase gusto rin kita... sobra...
sobrang mataas tingin ko sayo kaya natakot ako baka hindi kita maabot...
tapos hanggang sa tuluyang naging mag kaibigan na lang tayo...
"ngayon ay aaminin ko na... na sana nga ay tayong dalawa bawat tanong mo'y iniwasan ko... baka mayroong masabing hindi totoo...di ko alam kung ano ang nangyari... dadamin ko sayo hindi ko nasabi..."

hanggang kelan tayo magpapakiramdaman?
hanggang kelan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo?
hanggang kelan mo ako kayang saktan at paghihintayin?... sabagay... hindi mo naman pala alam na may nararamdaman ako para sayo... ang alam mo hindi ikaw ang tipo ko... MANHID MO!!!

hindi mo man lang mabasa ang ngiti at tawa ko pag ikaw ang kausap ko...
hindi mo man lang napansin na kahit masungit na ako pag pagod pag dating sayo iba ang aura ko... MANHID MO TALAGA!!!

pero ganun talaga... kung tayo talaga kahit ganito ang situwasyon natin ngayon... mag tatagpo at mag tatagpo ang mga landas at puso naten "in God's perfect wisdom and time".

Sana nga...
Amen.

Friday, September 9, 2011

Bato Sa Batuhan

minsan ang hindi sumasagi sa isipan mo ang siyang magpapangiti sayo ng hindi mo alam.
sabagay, hindi ko naman kase inisip na may ikaw pala...
pano ba naman may kanya-kanya tayong mundo, hindi ko naisip na pwede pala dumugtong ang buhay ng isang tao sa isang pang tao.
tadhana nga naman... yung ayaw mo... minsan... yun ang swak sayo...
pano naman magugustuhan ng isang babae ang isang lalaki na ang daming naging ex???
at pag nasa isang relasyon ay hindi tumatagal...
kung isa kang bato sa buhangin mapapansin pa sana kita agad... pero...
isa kang bato sa batuhan... pero di ba... himala o tadhana napansin kita... o malinaw lang talaga ang mata ko?
bato bato sa langit tamaan ni kupido lagot sa pag-ibig.

Tuesday, August 2, 2011

Isang Tagay sa Pag-ibig




ang pag -ibig parang alak...








mapait,




masakit sa ulo,




panira ng pag-aaral,




panira ng barkada (minsan),




panira pa ng pamilya (minsan),












pero hinahanap-hanap pa rin natin...




kase kahit ano pa ang side effects ng alak...




masaya tayo pag nakaka-inom nito.




Saturday, July 30, 2011

Pag Babalik

ako'y muling nag babalik.

galing sa isang hiwalayang hindi alam ang tunay na dahilan.
masakit pala talaga... pero hindi ko rin inakala na ganito ako.
sa totoo lang hindi ko inakala na matatag pala ako.

sa iyo na una kong minahal.
minahal na ngayon ay isang munting ala-ala na lamang ng masayang nakaraan.
ayaw kong magalit sayo, ayaw kong mag tanim ng sama ng loob sayo dahil mali.
natuto ako at yun ang mahalaga.
nag mahal, minahal at nawalan.
nasaktan pero hindi hinangad na saktan ka rin... walang paghihiganti.

kung paano ko natanggap ng maluwag sa loob ang ating hiwalayan ay dahil wala akong galit sayo.
mahirap magalit, mahirap mag karoon ng sama ng loob dahil mabigat ito sa damdamin.
kaya ang masasayang araw lang natin ang iniwan ko sa isipan ko at yun ang dahilan kung bakit handa akong mag mahal muli dahil wala akong sama ng loob.

masarap mag mahal kaya mag mamahal ako muli... ngunit hindi na sa iyo.

mag mamahal muli dahil nasapawan ng pagmamahal ang pait na sinapit ko sayo.

muli salamat sa munting oras na paglalakbay ko na kasama ka sa mundo.

isang ala-ala.

sa iyo na parating sa buhay ko...

hindi ko alam kung kailan at paano pero alam ko darating din tayo sa tamang panahon.
sana magtagpo ang mga panahon natin.

Tuesday, April 27, 2010

The Alternative

... alternative



Cause when I was 15 somebody told me he loves me, I did not believe him
And when I was 15, the first kiss did not make my head spin around
Cause in life you'll do things greater than dating that boy from the football team.
I already know that at 15.
Cause all you wanted is to be wanted
Wish you could go back and tell yourself what you know now...
That is...
Its ok to commit those mistakes at 15.

Sunday, January 10, 2010

LaSoN At DiLa



Lagi nating sinasabi na - " mahirap mag salita ng hindi pa tapos" pero ang masaklap at mapait na katotohanan ay pwede naman talaga tayong mag salita dahil wala naman talagang tunay na katapusan. Patuloy na iikot ang mundo. Patuloy na meron mamamatay at mabubuhay. Pwede tayong mag salita pero ang totoo, takot lang tayong magsalita dahil takot tayo na baka hindi natin mapanindigan ang ating binitiwang salita. Hindi tayo takot sa salita... takot tayo sa paninindigan. Pero kung tutuusin, kung may lakas tayo ng loob na manindigan... kaya natin mag salita at panindigan ang bawat sinabi natin... at hindi na natin sasabihin muli ang kasabihang - "mahirap mag salita ng hindi pa tapos".

Tuesday, September 22, 2009

TiKLoP





Kung pride at kahihiyan lang din naman ang paguusapan, malamang nasa billboard top list na ako. Nakain ko na nga ng buong-buo ang pride ko, ultimo latak linunok ko na... kinailangan ko pang kuskusin ang mga nakadikit na latak ng pride ko para simutin ito ng sagaran... pero may nangyari ba? May mangyayari ba?
Ewan ko pero hindi naman kase ako talagang ganito. Hindi ako sanay na ako ang nasasapawan dahil normal na sa buhay ko ang nasa tugatog... pero para sayo nagpakumbaba ako. Pag dating sayo... TIKLOP akong talaga... Bakit nga ba?

Friday, January 23, 2009

Galit

okei... labasan lang ng sama ng loob... baka sakaling mawala pag naiblog ko na... mga list ng mga hate ko na tao... sa ngaun... si Ms. Dickson... hindi yan ang tunay nyang pangalan... pero yan ang gusto ko itawag sa kanya.... bakit hate ko sya??? kase napaka plastik nya. insecure to max.Eto message ko sayo... hindi ako katulad mo na maninira ng ibang tao para lang makakuha ng simpatya ng ibang tao... napaka plastik mo... backstabber!!! next si si Ms. Anne... hindi rin yan ang tunay nya na pangalan.. hate ko sya kase kung gaano ka insecure si Ms. Dickson e 100x pa sya ka insecure. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto nya makisawsaw sa akin. hindi ko maintindihan kung bakit gusto nya lagi nakabuntot ang panglan nya sa pangalan ko e magkaibang tao naman kami... message ko sayo Ms. Anne... sana lang magkaroon ka naman ng sarili mong identity at hwag mong ihambing ng ihambing ang sarili mo sakin kase mag kaiba tayo to the highest level... okei? Pangatlo na hate ko si Ms. Reggy. Masyado kasi syang magaling mang asar pero pag sya ang inasar e madaling mapikon... eto message ko sayo... hindi madadagdagan ang ganda mo pag nilait mo ang kapwa mo. napakagaling mo kase manlait e... kung minsan gusto kita gantihan pero alam ko pag ginawa ko yun masayado ka maooffend kc nga makatotohanan pag ako nanlait. tigilan mo na ang panlalait kase hindi madadagdagan ng panlalait ang ganda mo okei???


ciao!!!

Tuesday, July 22, 2008

ano ang feeling ng bagong promote?

Masaya lalo na kung halos isang taon ka palang sa work mo at promoted ka agad to the highest level.

pero mapapaisip ka rin talaga lalo na kung my plano ka na magresign sa trabaho mo para sa hindi mo alam na kinabukasan. kumbaga... maganda ang takbo ng buhay mo nagyon pero willing ka na iwan ito lahat para sa isang pangarap na hindi ka sigurado kung matutupad... ngunit pano mo malalaman kung hindi mo susubukan.


kaya hindi rin ganun kasaya ang promotion kung alam mo sa sarili mo na iiwanan mo rin ang magandang buhay na tinatamasa mo sa ngayon... pero enjoy the moment... ilang buwan pa naman bago ka mag resign e... so enjoy mo ang sweldo... at ang PROMOTION.

Buti na lang at private ito kase kung hindi... malalaman nila ang mga plano ko sa buhay na ayaw ko pa muna ipaalam... tulad ng pag reresign...

Saturday, September 15, 2007

Kwentong Barbero


Ilang kwento na nga ba ang naibenta ko sa masa? Hindi ko alam kung bakit nila ito binibili. Nakakatuwang isipin kung minsan na ang mga kwentong ito ay tumatatak sa puso at isipan ng mga tao. Mula sa kwento ng isang bituing hindi sumikat, sa drama ng bandang hindi na muling umawit, sa boses ng manunulat na hindi marinig hanggang sa kwento ng taong duwag na nagwagi.

Ang lahat ng ito ay kathang isip lamang ngunit ang mga kwentong barbero na ito ay ayun din sa tunay na trahedya ng buhay.

Ngunit kahit sino ay walang nakakaalam sa kwento ng buhay ng isang tao na dumaan sa bawat sulok ng buhay.

Paghihirap… hindi ito kailangang ipakita sa ibang tao sapagka’t sino nga ba ang makakaunawa sa mundong ito?

Tagumpay… ito ay hindi nakikita sa katapusan ng kwento bagkus ito ay ang proseso na bumubuo sa pagkatao ng isang tao.

Thursday, September 13, 2007

Bersyong Tagalog


Ola! Nakakapanibago. Sa tinagal-tagal kong adik sa blog kahit minsan ay hindi pa ako nag-post ng tagalog na post sa blog ko. Ang dahilan nito ay dahil hindi talaga ako magaling sa salitang pinoy. Tunog banyaga kasi talaga ako kung kaya't isang napaka-laking pagsubok sa akin ang magsulat ng tulad nito. Nakakatakot kasi baka mahaluan ko ng english ang post na ito... teka, ano nga ba ang tagalog ng post? - poste? hehehe! Sabi ko na eh!



Anyway, (ayun english nanaman!) may isa rin kasi akong blog pero english version yun. Madalas akong mag post dun kasi nga mas sanay akong magsulat sa english, hindi tulad nito, nosebleed ang inaabot ko sa kakaisip ng tamang salita. Pero masaya naman sya kasi in fairness, napaka-challenging nito. Ayun english nanaman yun!



So, maiba naman tayo. Ikaw... Oo ikaw. Ikaw na bumabasa nito. Mabuhay ka kaibigan. Napatunayan mo sa sarili mo na isa kang "potential hacker" sapagkat ang link ng blog na ito ay hindi makikita sa kahit saan. Ngunit dahil sa natagpuan mo ito, nangangahulugan lang na isa kang hacker na may abilidad na maghanap ng mga hindi nahahanap ng iba.



O sya! Hanggang sa muling post.

God Bless.